Dingdagan ng DOJ o Department of Justice ang mga prosecutor o taga-usig na aalalay sa panel of prosecutors na na-atasang humawak sa inquest proceedings ng mga maaarestong suspek sa Marawi Siege.
Batay sa kautusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, limang piskal ang itinalaga para maging standby prosecutors sa mga masasampahan ng kasong rebelyon.
Ito’y kinabibilangan nila Assistant City Prosecutors Alfonso Vicente Jr at Ansharey Lalia mula sa Cagayan de Oro City gayundin sina Assistant Prosecutors Lito Sanchez at Tadeo Polestico na mula naman sa Misamis Oriental.
Paliwanag ni Aguirre, hahawakan lamang ng mga nasabing piskal ang inquest proceedings sakaling hindi kayanin ng kasalukuyang panel of prosecutors ang paghawak sa kaso dahil sa dami ng mga respondent.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo