Pinapurihan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Pangulong Rodrigo Duterte makaraang pirmahan nito ang Executive Order Number 28.
Ito ang batas na nagre-regulate sa paggamit ng iba’t ibang uri ng paputok na siyang sanhi ng mga naitatalang injuries sa tuwing may okasyon tulad ng pasko, bagong taon, pista at iba pa.
Kasunod nito, sinabi ni Drilon na hindi dapat na makuntento lamang sa Executive Order ang publiko dahil maituturing itong hamon sa Kongreso para magpasa ng kaukulang batas hinggil dito.
Sa pamamagitan nito ani Drilon, mas mapapalakas ang adbokasiya ng DOH o Department of Health sa kanilang kampaniya kontra paputok upang tuluyan nang mabura ang talaan ng mga casualties sa tuwing nagpapalit ang taon.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno