Patay sa isinagawang airstrike ng Amerika sa Yemen ang isang mataas na opisyal ng Al Qaeda at dalawang (2) deputy nito.
Kinilala ng US Central Command ang nasawi na si Abu Khattab Al Awlaqi Emir ng Al Qaeda sa Arabian Peninsula.
Si Al Awlaqi ang umano’y namumuno sa mga pag-atake laban sa mga sibilyan sa Yemen.
Halos walumpung (80) airstrikes na ang isinagawa ng US military ngayong taon target ang Al Qaeda Arabian Peninsula na itinuturing ng Amerika na isa sa pinakamapanganib na banta ng terorismo sa Amerika.
By Judith Estrada – Larino