Bukas ang Malakaniyang sa alok ng pamahalaan ng Australia na magpadala ng dalawang military surveillance aircrafts upang mapadali ang paglutas sa Marawi Siege.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala aniyang problema sa pamahalaan ang alinmang tulong basta’t ito’y naaayon sa saligang batas.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang defense department sa kanilang Australian counterparts hinggil sa alok na tulong.
Una nang nagpaabot ng tulong ang Amerika sa pamamagitan ng surveillance at technical support sa kasagsagan ng bakbakan sa Marawi City.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Malakaniyang bukas sa alok na tulong ng Australia was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882