Suportado ng Malakaniyang ang mungkahi ni Senador Richard Gordon na gawing tourist hub ang Marawi City sa sandaling matapos na ang krisis at maibalik na sa normal ang sitwasyon duon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mismong ang Department of Tourism na ang nagsabi na may malaking potensyal ang Marawi dahil maganda ang lugar para sa mga turista.
Maganda rin aniya ang klima sa lungsod gayundin ang mga tanawin dito partikular na ang Lake Lanao maliban pa sa mayamang kultura ng mga taga-ruon.
Kasunod nito, umaasa ang palasyo na maisama sa rehabilitation, recovery at reconstruction program ng Marawi ang tourism masterplan para maging tourist destination.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Mungkahing gawing tourist hub ang Marawi City kinatigan ng Malakaniyang was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882