Nanindigan ang AFP o Armed Forces of the Philippines na walang tigil-putukang magaganap sa Mindanao sa darating na Eid’l Fitr sa Lunes, Hunyo 26.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, hindi sila bibitaw sa operasyon kahit pa Eid’l Fitr upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga terorista sa Marawi City.
Gayunman, tiniyak ni Padilla na magpapatuloy ang clearing operations sa lugar gayundin ang mas pinaigting na opensiba laban sa Maute Terror Group.
Giit pa ng Heneral, gagawin nila ang lahat upang maging maayos ang pagdiriwang ng mga Muslim sa kabila ng patuloy na bakbakan sa Marawi City.
By Jaymark Dagala / with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
AFP tuloy ang opensiba vs. mga terorista kahit holiday was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882