Makukuha na ng mga rehistradong motorista ang kanilang driver’s license na may limang (5) taong validity simula sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, unang makatatanggap ng bagong lisensya ang may tatlong (3) milyong tsuper na nag-apply o nag-renew noon pang Oktubre ng isang taon.
Gawa sa polycarbonate plastic ang mga bagong license card at tadtad pa ng pinaigting na security features upang maiwasang mapeke.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng LTO o Land Transportation Office ang pagbuo ng online applications para sa mga driver na walang violation o citations.
By Jaymark Dagala
Bagong license cards ng mga motorista makukuha na sa Agosto was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882