Isiniwalat ng Commission on Audit o COA na may iregularidad sa pagbili ng fire trucks ng Bureau of Fire Protection o BFP.
Batay sa audit report ng COA, 2.5 billion pesos ang halaga ang kontratang pinasok ng BFP para sa pagbili ng fire trucks.
Gayunman, sinasabing halos dalawang daan (200) sa halos limang daang (500) yunit ay may depekto nang mai-deliver ang fire trucks noong 2015.
Kabilang sa mga depekto na nasilip ng COA sa mga fire trucks ay ang mga sira-sirang salamin at door locks, pumapalya ang air brake, biglang tumitigil na makina at gayundin ang biglang swerving o acceleration ng mga yunit habang tumatakbo.
By Jelbert Perdez
Photo: BFP