Naglabas ng espesyal na kautusan si Senate President Koko Pimentel para payagan ang mga senador na magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bakbakan sa Marawi na lagpas pa sa pinapayagang pondo na maaring ilabas ng kani-kanilang mga opisina sa mga ganitong sitwasyon.
Ayon kay Pimentel sa ilalim ng panuntunan ng senado hanggang limang porsyento (5%) lamang ng budget ng opisina ng isang senador ang maaring ibigay para sa tinatawag na welfare assistance.
Pero dahil sa terorismo sa Marawi, pinawalang bisa ito ni Pimentel, kaya’t maaari nang lumagpas sa limang porsyento (5%) ang pondong maaaring ibigay ng isang senador para sa mga biktima ng sagupaan sa Marawi.
Ayon kay Pimentel, paraan ito ng senado para maramdaman ng mga taga-Marawi na hindi sila kinalilimutan ng gobyerno.
By Jonathan Andal