Posibleng umarangkada ang ika-limang serye ng tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Batay sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) mula sa industry sources, maglalaro sa P0.40 hanggang P0.55 sentimos ang rollback sa kada litro ng diesel.
Kinse (P0.15) hanggang P0.30 naman ang inaasahang rollback sa kada litro ng gasolina habang P0.15 hanggang P0.25 naman ang sa kada litro ng kerosene.
Sa monitoring ng DOE mula Enero hanggang ngayong buwan, mas malaki na ang ini-rollback kaysa itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel na nasa P10.07 pesos sa 15 beses.
Habang sa gasolina naman, mas malamang pa rin ang itinaas kaysa ibinaba ng 11 beses o katumbas ng P9.27 pesos
Nagpahiwatig naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na posible ring bumaba pa ang minimum na pasahe sa jeepney kung magtutuluy-tuloy pa ang pagbaba ng presyo ng langis sa merkado.
By Jaymark Dagala