Sinamantala ng Crisis Management Committee ang ilang oras na tigil putukan para makuha ang mga sibilyang patuloy na naiipit sa Marawi City.
Sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Asst. Secretary Dickson Hermoso, kasama sa mga iniligtas ang mga bata, matatanda at mga sugarang residente na hindi makaalis sa lugar ng bakbakan.
Hinati aniya sa limang grupo ang volunteer rescue teams para makuha ang mga natitira pang sibilyan sa Marawi City.
Kasama rin ang cadaver retrieval team sa mga pumasok sa ground zero para kunin ang mga biktimang nadamay sa bakbakan.
Sinabi ni Hermoso na umaasa silang matapos na ang krisis sa Marawi City para makapagsimula muli ang mga sibilyan sa kanilang normal na pamumuhay.
By: Aileen Taliping