Limang (5) residente lamang kabilang ang isang sanggol ang nailigtas sa walong (8) oras na humanitirian pause at tigil putukan sa Marawi City na ipinatupad bilang respeto sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan, noong Linggo.
Ayon kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Assistant Secretary Dickson Hermoso, katuwang ng Crisis Management Committee ang Cadaver Retrieval Team sa mga pumasok sa ground zero para kunin ang bangkay ng ilang biktima.
Inihayag naman ni Task Force Marawi Spokesman, Lt. Col. Jo-ar Herrera na tila desperado na ang ISIS-Maute dahil pinupwersa na nito ang kanilang mga nalalabing bihag na humawak ng armas o magsuot ng ISIS uniform na itim at makipag-laban.
Gayunman, bineberipika pa anya nila ang ulat na may ilang bihag ang pinatay ng mga terorista o napatay ng militar dahil sa pag-aakalang kalaban ang mga ito.
Samantala, sumailalim naman sa stress debriefing ang mga nailigtas na bihag.
By Drew Nacino | With Report from Aileen Taliping