“It’s all worth it.”
Ito ang naging emosyonal na pahayag ni Myrtle Sarrosa na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Kasunod ito ng kanyang pagtatapos sa UP o University of the Philippines Diliman sa kursong Bachelor’s Degree in Broadcast Communications bilang Cum Laude.
Anya, hindi madaling masungkit ang nakuhang diploma lalo pa at marami rin siyang pinagdaan sa kanyang showbiz career at sa kanyang pag-aaral.
Pahayag ni Myrtle, “After six years, three courses, nine semesters, one reality TV show, twelve teleseryes and over fifty television shows – I’m finally here today.”
“To be honest, I never thought I’d see this day coming. After numerous struggles that came my way, there were several times where I doubted myself, cried and just wanted to give up.”
“But despite the overwhelming odds against me, someway and somehow, I made it with the help of God, my family, friends, professors, classmates and workmates.”
“Like they say… the struggle is real but it’s all worth it.”
Si Myrtle ay nakilala makaraang manalo sa fourth teen edition ng Pinoy Big Brother noong 2012 at bago pa ito ay kilala rin siya bilang popular na cosplayer.
Samantala, nag post rin sa kanyang Instagram account si 4th runner-up Miss Universe 2010 Venus Raj na nagtapos sa UP noong Sabado sa kanyang Master’s Degree.
Sa kanyang post, ipinahayag ni Raj na nagbunga rin ang kanyang apat na taong paghihirap.
Nagpaabot rin si Raj ng kanyang pagbati sa kapwa niya graduates.
“Nagbunga na ang apat na taong pagsisikap. Sa mga kapwa ko magtatapos, isang taos-pusong pagbati sa inyo.”
By Race Perez