Niyanig ng magkasunod na lindol ang Davao Occidental kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 3:45 ng madaling araw nang tumama ang 3.6 na lindol.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong animnaput isang (61) kilometro timog silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na isandaan at walong kilometro.
Nasundan naman ito ng 2.9 na lindol dakong 5:49 ng umaga.
Wala namang napaulat na napinsala o nasaktan sa naturang pagyanig.
By Ralph Obina