Tiniyak ng Malakaniyang na hindi nasayang ang pera ng bayan sa mga naging biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ng Palasyo kasunod na rin ng mga puna at batikos ng mga kritiko ng Pangulo na naglagay sa Pangulo bilang most travelled President sa unang taon pa lamang nito sa puwesto.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mahigit sa 35 Bilyong Dolyar ang nakuhang investment ng Pangulo sa kaniyang biyahe sa ASEAN gayundin sa China, Japan, Russia, Peru at New Zealand.
Batay aniya sa cost analysis ng Department of Finance 1,000 Piso ang naiuuwi ng pangulo sa bawat pisong ginagastos nito sa kaniyang biyahe.
Buwelta pa ni Andanar sa mga kritiko ng Pangulo, hindi maitatanggi na si Pangulong Duterte na ang nakapag-uwi ng pinakamalaking investment sa unang taon pa lamang ng kaniyang termino kumpara sa mga nakalipas na Pangulo ng bansa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Pera ng bayan di nasayang sa mga biyahe ng Pangulo – Palasyo was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882