Buhay pa si Fr. Chito Suganob na isa sa mga binihag ng teroristang Maute group na kumubkob sa Marawi City nuong isang buwan.
Ito ang kinumpirma ni joint task force Marawi Spokesman Lt/Col. Jo-Ar Herrera makaraang mamataan ito ng tropa ng pamahalaan sa kasagsagan ng opensiba kontra sa mga terorista.
Maliban sa pari, sinabi ni Herrera na mayruon pang 100 bihag na sibilyan ang hawak ngayon ng Maute kung saan, binibigyan ang mga ito ng armas upang makipaglaban sa puwersa ng pamahalaan.
Kasunod nito, inihayag din ni Herrera ang ginagawang pagsunog ng mga terorista sa mga bahay at ang paggamit sa mga bihag nito bilang human shield na pinagtatanim pa ng booby trap at I-E-D o Improvised Explosive Device sa daraanan ng militar.
By: Jaymark Dagala
Iba pang mga bihag ng Maute kabilang na si Fr. Suganob buhay pa – AFP was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882