Handa ang pamilya ni Cristine Reyes na makinig at dumamay sa aktres sa kanyang pinagdadaanang depresyon matapos siyang matalo kay Wacky Kiray sa reality show na I Can Do That ng Kapamilya network.
Ito ang naging pahayag ni Ara Mina kasunod ng pahayag ni Cristine na pakiramdam niya siya ay nag-iisa at wala siyang makausap.
Ayon kay Ara, bagama’t hindi sila madalas na nagkakausap ng kanyang kapatid simula noong magkaroon na ito ng sariling pamilya dahil nanirahan na ito malayo sa kanilang magkakapatid.
Ngunit sinabi ni Ara na hindi mapapawi ng distansya ang kanilang koneksyon bilang isang pamilya kaya naman isang text o tawag lamang aniya ni Cristine ay handang-handa siyang damayan ito.
By Rianne Briones
Photo: cristinereyes / Instagram