Sasamantalahin ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang anila’y humihinang command at kontrol ng Maute Group para mailigtas ang mga natitira pang bihag ng mga terorista sa Marawi City.
Ayon sa AFP nawawalan na ng direksyon ang Maute Group matapos umano abandonahin ng ISIS-emir na si Isnilon Hapilon ang kanyang mga tauhan.
Hinihinalang patay na rin ang isa pang lider ng teroristang grupo na si Omar Maute habang naaresto na ang iba pang miyembro.
Sinabi pa ni AFP PIO Head Lt/Col. Edgard Arevalo na tanging si Abdullah at Madi Maute na lamang ang natitirang nagtitimon sa grupo pero maging ang mga ito ay nag-aaway-away na rin dahil sa usapin ng pera.
Aniya ang mga nasabing impormasyon ay kanilang nakuha mula sa mga nailigtas na residente at mga bihag.
By Krista de Dios | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
Humihinang command at kontrol ng Maute sasamantalahin was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882