Abot kamay na ng Iraqi military ang pagbawi at pagkuha ng kabuuang kontrol sa Mosul mula sa kamay ng Islamic State.
Ayon sa ulat, maliit na porsyento na lamang ng ISIS ang nasa Mosul.
Panawagan nila sa mga ito na sumuko na lamang o piliing mamatay.
Naniniwala si Counter Terrorism Service Commander Lt. General Abdul Ghani Al-Assad na halos patapos na ang labanan sa naturang Iraqi City.
Dahil dito, asahan na aniyang babagsak na sa kamay ng militar ang Mosul sa mga susunod na araw.
By Ralph Obina