Sisikapin ng pamahalaan na tapusin ang gulo sa Marawi City bago ang ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, batay sa pagtantya ni AFP Chief Gen. Eduardo Año, posibleng abutin na lamang ng isang linggo ang nararanasang krisis ngayon sa Marawi City.
Binigyang diin ni Lorenzana, humihina na aniya ang puwersa ng mga terorista makaraang makumpirma na sila-sila na mismo ang nagpapatayan dahil sa kakapusan ng logistics o pondo.
Bagama’t aminado ang kalihim na nakararamdam siya ng matinding pressure sa ngayon dahil sa pagnanais na matapos na ang gulo, ngunit mas mainam aniyang tumututok na muna sa tinatakbo ng opensiba upang makatiyak na magtatagumpay ang pamahalaan.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Gulo sa Marawi tatapusin bago mag SONA si Pangulong Duterte was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882