Dapat munang mapag-aralang mabuti at i-verify ang alok ng Maute Terror Group na palit ulo sa mga bihag nito kapalit ang pagpapalaya ng pamahalaan sa mag-asawang Cayamora at Farhana Maute.
Ayon kay Senate Committee on National Defense and Security Chairman Gringo Honasan, may umiiral na patakaran ang pamahalaan na no ransom at no negotiation policy sa mga terorista.
Sakaling totoo man ang alok na ito ng Maute Group, sinabi ni Honasan na dapat isaalang-alang ng pamahalaan sa kanilang pagpapasya ang mga umiiral na patakaran nito.
Una rito, kapwa tinabla na ng Malakaniyang at AFP o Armed Forces of the Philippines ang nasabing alok dahil kumpara sa mga hawak na bihag ng Maute, mas malaki ang pananagutan sa batas ng mga naaresto ng mga awtoridad dahil sa pagpapasiklab ng rebelyon sa Marawi City.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Alok na palit ulo ng Maute dapat pag-aralang maigi ng pamahalaan – Sen. Honasan was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882