Ikinabahala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabalewala ng ilang OFW’s o Overseas Filipino Workers para magamit ang ini-alok na amnestiya ng pamahalaan ng Saudi Arabia.
Ayon kay DOLE Undersecretary Dominador Say, hanggang Huwebes na lamang ang ibinigay na palugit ng Saudi Arabian government para sa mga undocumented migrant workers.
Sa pinakahuling report na natanggap ng ahensiya, mayroon pa ring mga OFW sa Saudi Arabia ang hindi pa nakapagpaparehistro sa nasabing amnestiya.
Ito ay sa kabila ng ibibigay na tulong ng embahada ng Pilipinas sa pag-proseso ng kanilang mga dokumento.
Babala ni Say, oras na matapos na ang palugit ay aarestuhin na ng Saudi Arabian authorities ang lahat ng mga undocumented foreigners at mga dayuhang mayroon nang exit visa ngunit nananatili pa rin sa nasabing bansa.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco
DOLE nagbabala sa mga OFW na bumabalewala sa ini-alok na amnestiya ng Saudi Arabia was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882