Kumpiyansa ang mga Senador na makababawi at muling makababangon ang lungsod ng Marawi sa sandaling matapos na ang kinahahrap nitong krisis mula sa mga terorista.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, nakasalalay sa political will ng pamahalaan tulad ng pagsasaprayoridad ng mga programa, proyekto para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Para naman kay Senador Gringo Honasan, hindi malabo na maisakatuparan ang mabilis na pagbangon ng Marawi City kung may pondong mailalaan agad ang pamahalaan para sa pagbangon hindi lamang ng mga istraktura kundi maging ng pangkabuhayan ng mga taga-ruon.
Sa panig naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto, sapat na ang 20 Bilyong Pisong pondo na inilalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa tuluyang pagbangon ng nasabing lungsod.
Magagawa aniyang makabangon ng Marawi sa lalong madaling panahon sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago o hanggang taong 2022.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Pondo, programa at political will, mga sangkap sa agarang pagbangon ng Marawi City – Mga Senador was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882