Kailangan pa ng karagdagang pondo ng pamahalaan para sa iba pang mga kinakailangang proyekto sa Marawi City partikular na sa aspeto ng imprastraktura.
Ito’y ayon kay Senador Sherwin Gatchalian kasunod ng inilaang 20 Bilyong Piso ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Marawi City sa sandaling matapos na ang nararanasang krisis duon.
Batay sa pagtantya ni Gatchalian, sasapat lamang ang inilaang pondo para sa mga kinakailangang pabahay ng mga bakwit o iyong mga residenteng nagsilikas dahil sa bakbakan.
Maliban dito, kinakailangan din na makapagtayo ng mga bagong paaralan, ospital, kalsada at mga bagong pasilidad ng pamahalaan gayundin ang local economic and development center hindi lamang sa Marawi kundi maging sa Cotabato City.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Inilaang 20 Billion Pesos para sa Marawi sapat lamang umano para sa mga pabahay was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882