Binatikos ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang panukala ni MMDA Chairman Danilo Lim na magpatupad ng dalawang araw na number coding sa Metro Manila.
Ayon sa mambabatas, anti-poor ang nasabing panukala dahil tiyak na papabor lamang ito sa mga mayayaman na may kakayahang bumili ng karagdagang sasakyan.
Dahil dito, tiyak din aniyang lalong lalala ang problema sa trapiko at hindi magiging produktibo para sa mga middle earners bunsod ng palpak na mass transport system.
Sa halip na magpatupad ng dalawang araw na number coding, hinimok ni Evardone ang MMDA na gumawa ng short term measure upang mapaluwag ang daloy ng trapiko tulad ng paglilinis sa mga bangketa at iba pang mga nakahambalang sa kalsada.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc
2 Days number coding ng MMDA anti-poor – Rep. Evardone was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882