Itinanghal nang World’s Sexiest Woman ang kapamilya aktres na si Nadine Lustre.
Ito ay matapos na manguna ang aktres sa isinagawang online poll ng FHM Mens’ Magazine.
Si Nadine ay nakakuha ng mahigit sa apatnaraan at siyamnaput isang libong (491,000) boto o 9.85%.
Pumangalawa naman si Kim Domingo na nakakuha ng 9.03% o mahigit apatnaraan at limampung libong (450,000) boto.
Nasa 3rd spot naman si Rhian Ramos at pang-apat ang sexiest noong nakaraang taon na Jessy Mendiola.
Pasok din sa Top 10 sina Ellen Adarna, Jennelyn Mercado, Angel Locsin, Liza Soberano, Maine Mendoza at Solenn Heussaff.
Matatandaang, si Nadine ay isa sa front runner simula nang mag-umpisa ang botohan.
By Krista De Dios