Inaasahang magsusumite na ng kani-kanilang opinyon ngayong araw ang mga mahistrado ng Korte Suprema at inaasahang magbobotohan na ito sa Hulyo 04.
Ito’y kaugnay sa inihaing petisyon sa high tribunal na kumukuwesyon sa pagdideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon sa source ng DWIZ, hanggang ngayong araw na ito napagkasunduan ng mga mahistrado sa kanilang En Banc session para magsumite ng kani-kanilang opinyon.
Magugunitang napagkasunduan din sa isinagawang En Banc session na si Associate Justice Mariano Del Castillo ang naatasang magponente o sumulat ng desisyon hinggil sa usapin.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Opinyon ng mga SC Justices hinggil sa martial law isusumite na ngayong araw was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882