Kinontra ng Malakaniyang ang batikos ng human rights watch na maihahalintulad sa kalamidad sa aspeto ng karapatang pantao ang unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
Ayon kay Presidential Communications Asst/Sec. Ana Marie Banaag, hindi katanggap tanggap ang naging komento ng nasabing grupo dahil naninindigan si Pangulong Duterte sa pagsusulong ng tunay na pagbabago sa bansa .
Hindi aniya hinayaan ng administrasyon na masira at mabalewala ang buhay ng milyun-milyong Pilipino mula sa iligal na droga na hindi nagawan ng paraan ng nakalipas na administrasyon.
Wala aniyang isa punto tatlong milyong sumuko sa war on drugs ng pamahalaan mula sa mahigit 62,000 anti-drug operations sa loob ng isang taon kung napagtuunan ito ng pansin ng nakalipas na administrasyon.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Pahayag ng Human Rights Watch binatikos ng Malakaniyang was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882