Nanawagan ang grupo ng mga banana producer at mga negosyante sa Mindanao na payagan sila ng pamahalaan na armasan ang kanilang mga security personnel.
Ito’y upang maipagtanggol ang kanilang mga plantasyon at pook negosyo mula sa pagsalakay ng mga hinihinalang miyembro ng komunistang grupo.
Ayon kay Alex Valoria, Pangulo ng Pilipno Banana Growers and Exporters Association, dapat ikunsidera ng PNP ang naunang desisyon na ideposito sa kanila ang mga armas ng mga security personnel at mga negosyante sa rehiyon.
Giit ni Valoria, wala silang kalaban-laban sakaling sumalakay sa kanila ang mga rebelde tulad ng NPA O New People’s Army sa kabila ng umiiral na Martial Law o batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
By: Jaymark Dagala
Mga negosyante sa Mindanao humiling na payagan silang armasan was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882