Pinalagan ng COMELEC o Commission on Elections ang pagkontra ni Senador Franklin Drilon sa panukalang maglabas ng bagong voter’s ID.
Una nang sinabi ni Drilon na pag-aaksya lamang ng pera at panahon ang gagawin ng COMELEC na pag-iimprenta ng bagong ID.
Ayon kay COMELEC Spokesman Director James Jimenez, mismong si Senate President Koko Pimentel pa ang nagsabing maaari itong maging batayan sa planong national ID system.
Aniya, masyado pang maaga para husgahan ang ID na ni hindi pa nakikita ang magiging itsura nito.
Nasa bidding process pa lamang aniya ang naturang panukala at wala pang sangkot na pondo ng gobyerno.
By Rianne Briones
Pagkontra sa panukalang bagong voter’s ID pinalagan was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882