Tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng assessment ang kanyang naging unang taon sa puwesto.
Ayon kay Duterte, gagawin lamang niya ito kapag natapos niya ang kanyang termino.
Ngunit humirit ang Pangulo na kung hindi na niya aabutin ito ay sana ay maging parehas naman ang publiko sa kanilang gagawing assessment sa kanyang naging serbisyo.
Tinawag naman ng Pangulo na tila-roller coaster ride ang kanyang isang taon dahil sa high and lows na nangyari sa kanyang administrasyon.
Congress
Binigyan ng magkakaibang grado ng mga kongresista ang naging unang taon sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Para kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe nakakuha ang pangulo ng 8.7 na rating dahil nagawa ng Pangulo nang mapabuti ang peace and order situation ng bansa.
Pinapurihan din ni Batocabe ang pagsisikap ng Pangulo na mapalakas pa ang ekonomiya ng Pilipinas.
Binigyan naman 6 out 10 na iskor ni House Minority Leader Danilo Suarez ang administrasyon kasunod ng inilarga nitong kampanya kontra iligal na droga ngunit nanatili pa ring hindi nagagalaw ang mga malalaking druglord.
Bagsak naman para kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang naging performance ng Duterte administration.
Tinukoy nito ay ang dami ng mga namatay dahil sa madugong anti-drug campaign ng Pangulo at pangakong pagbabago na hindi naman naging kaaya-aya.
Sinabi naman ni Lagman na bagsak ang grado ng Pangulo dahil bagama’t naging maganda ang economic growth ng bansa ay nanatili naman itong hindi nararamdaman ng mahihirap.
By Rianne Briones
Unang taon tila ‘rollercoaster ride’—Pangulong Duterte was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882