Bineberipika pa ng Philippine National Police o PNP ang balitang plano ng Maute terrorist group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na magsagawa ng malawakang pag-atake sa buong bansa.
Batay ito sa impormasyon mula sa Polomolok Municipal Police Station sa South Cotabato kung saan tatargetin umano ng Maute ang lahat ng vital installations gaya ng mga gasolinahan, mga mall, parke, palengke at iba pa.
Maliban dito, iha-hijacked din umano ang mga LPG delivery trucks at gagamitin bilang mga vehicle bombs.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, vina-validate na nila ang naturang impormasyon kasabay ng pinaigting na security measure sa buong bansa.
By Ralph Obina
Security measures ng PNP pinaigting pa vs. Maute attack was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882