Nakatakdang maglunsad ng joint patrol ang Pilipinas at Amerika sa Sulu Sea para paigtingin ang maritime security ng bansa.
Sabay na papalaot ang USS Coronado at BRP Ramon Alcaraz sa karatagan sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.
Ayon kay Task Force 73 Commander Rear Admiral Don Gabrielson, ang naturang pagpapatrulya ay pagpapalakas sa peace at stability ng rehiyon at pagsawata sa mga aktibidad ng mga pirata at transnational criminal activities.
Kasama sa magiging aktibidad ang pagpapalitan ng kaalaman pagdating sa kagamitan at naval techniques.
By Rianne Briones