Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong “Emong” habang patungo ng Okinawa, Japan.
Huling namataan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo sa layong 570 kilometro, hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometro kada oras at pagbugso na 115 kilometro kada oras.
Lumakas pa ang bagyong Emong kung saan tinatahak na nito ang direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Samantala, wala namang itinaas na storm warning signal ang PAGASA.
Bagyong Emong nakalabas na ng PAR was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882