Diarrhea at skin infections ang pinoproblema ng mga residente ng Marawi City na nananatili sa mga evacuation centers.
Dahil dito, ipinabatid sa DWIZ ni Assemblyman Zia Alonto Adiong, Spokesman ng Marawi Crisis Management Committee na hiniling na nila sa mga ahensya ng gobyerno para magbigay ng malinis na tubig sa mga evacuee bukod pa sa ibang pangangailangan tulad ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Sinabi ni Adiong na dapat malinis ang evacuation centers dahil maraming sanggol dito.
“Minsan kasi hindi natin alam kung saan saan lang pumupunta ang ating mga evacuees pagdating sa kanilang tawag ng kalikasan so minsan nag-ke-create ng environment na hindi siya conducive especially for the new born babies, maraming bata diyan, maraming nanganganak, when it comes to maintaining sanitation at ang health security na sinasabi natin. Dapat tuutkan ang adequate supply ng malinis na tubig para sa kanila” Pahayag ni Zia Alonto Adiong
Tinututukan rin ang relief goods na ipinamimigay kung saan sinabi ni Adiong na kailangang siguruhing hindi nako-kompromiso ang kalusugan ng mga evacuees.
“Nagkakaroon tayo ng assessment meeting para maka-respond tayo ng one step ahead sa mga pangangailangan ng evacuees.”
By Judith Larino | Ratsada Balita (Interview)
Problema sa sanitasyon dapat tutukan sa Marawi evacuations was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882