Pinangangambahang makaapekto ang nangyaring landslide sa Semirara coal mine sa suplay ng kuryente sa buong bansa.
Ito’y para bigyang daan ang gagawing imbestigasyon ng Department of Energy (DOE) na tatagal ng tatlong buwan.
Ayon kay Usec. Zenaida Monsada, OIC ng Department of Energy, malaki ang posibilidad na dumipende ang Pilipinas sa pag-aangkat ng coal o karbon na siyang pangunahing source ng enerhiya ng mga planta sa bansa.
Batay sa tala ng DOE, 92 percent ng power source sa bansa partikular na ang anim na planta mula sa Luzon at Visayas ang gumagamit ng coal o karbon na pawang kinukuha sa Semirara sa Antique.
By Jaymark Dagala