Hinamon ni Senator Leila De Lima ang kanyang mga dating kasamahan mula sa DOJ o Department of Justice na aniya’y isalba ang kagawaran mula sa maling pamamahala at higit na sa kahihiyan.
Ayon kay De Lima, tumitindi ang demoralisayon sa DOJ dahil ilan sa mga executives at empleyado ang pinupwersang gawin ang ilang bagay na may kwestiyunableng motibo at sumunod sa hindi makatwirang kautusan.
Iginiit din ni De Lima na sa pamamagitan ng tamang pagganap ng tungkulin ay maaaring mabawi ng mga empleyado ng DOJ ang dignidad at reputasyon ng kagawaran sa pagdating sa kahusayan at karangalan.
Kasabay nito, ipinagmalaki ni De Lima ang nagawa ng DOJ sa ilalim ng kanyang pangangasiwa tulad ng pagsasagawa ng surprise inspection sa NBP o New Bilibid Prisons dahilan para makumpiska ang ilang kontrabando.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno