Pinalawig pa ng hanggang dalawang (2) araw ng Saudi at tatlo (3) pang Arab States ang kanilang deadline sa Qatar.
Ito ay para tanggapin ang demands ng mga Arab States o kaya ay kaharapin ng Qatar ang mga ipapataw na sanction.
Una nang inakusahan ng Saudi at iba pang Arab States ang Qatar na sumusuporta at nagpopondo sa teroristang ISIS.
Matatandaang kabilang din sa demand ang pagpapasara ng Al Jazeera News Network.
By Ralph Obina