Pumalo na sa halos 500 ang bilang ng mga nasasawi mula nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at Maute Terror Group sa Marawi City mahigit isang buwan na ang nakalilipas.
Batay sa tala ng AFP o Armed Forces of the Philippines, nasa 458 na ang kabuuang nasawi kung saan, nasa 373 sa mga ito ay pawang mga terorista.
Ayon kay Lt/Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng AFP Joint Task Force Marawi, nasa 82 naman ng mga nasawi ay nagmula sa hanay ng militar at pulisya habang 39 ang mga sibilyan.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Herrera na aabot sa humigit kumulang 300,000 mga residente ng Marawi at karatig bayan nito sa Lanao del Sur ang nagsilikas bunsod ng bakbakan.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Bilang ng mga nasawi sa Marawi Siege nasa 458 was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882