Handa ang Amerika na magbigay ng ayuda sa Marawi City sa oras matigil na ang giyera doon.
Kasunod ito ng pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Task Force Bangon Marawi na tututok sa rehabilitasyon ng lugar.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagkausap sila ni US Ambassador to the Philippine Sung Kim kung saan siniguro nito ang anumang tulong para sa muling pagbangon ng naturang syudad.
Sinabi ni Lorenzana na agad-agad silang magsisimula ng pag-rehabilitasyon sa oras na muling mabawi ng gobyerno ang buong syudad.
By Rianne Briones
*Malacañang Photo