Pitong truck ng relief goods ang nakarating na sa Ramain, Lanao Del Sur at naipamahagi na sa halos 3000 pamilya na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City.
Ipinabatid ito ng OPAPP o Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na nagsabi ring laman ng relief package ay kulambo, blanket, banig at ilang mga gamit sa kusina.
Ayon sa OPAPP ang ICRC o International Committee of the Red Cross ay isa sa mga international humanitarian organization na nakapasok sa Ramain na itinuturing na military hotspot dahil ginagamit umanong daanan ng Maute group para makatakas ng Marawi City.
Nagpasalamat naman si ICRC head of office Tomoku Matsuzawa sa joint coordination, monitoring and action center sa ayudang ibinigay sa kanila sa humanitarian convoy mula malabang patungong ramain.
By: Judith Larino
Mga relief goods ipinamahagi sa 3000 pamilyang apektado ng Marawi Crisis was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882