Humina na ang habagat at napalitan ito ng ridge of High Pressure Area.
Ayon ito sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaya’t wala munang masyadong ulan na aasahan ang mga residente sa northern Luzon.
Sinabi ng PAGASA na magiging maganda ang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon maliban sa mararanasang isolated at localized rain showers at thunderstorms.
Makakaranas din ng magandang panahon ang Metro Manila ngayong araw subalit asahan ang pag-ulan sa hapon o gabi.
By Judith Larino