Isinusulong ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang pagtatatag ng Transportation Commission.
Sa kaniyang House Bill 5092 o Philippine Transportation Act of 2017 iminungkahi ni Arroyo ang Transformation ng Office of the Transportation Security na nasa ilalim ng Department of Transportation sa NTSRC o National Transportation Security Regulatory Commission.
Ayon kay Arroyo trabaho ng komisyon ang magsagawa ng checks and balances, maiwasan ang conflicts of interests at papanagutin ang mga ahensya ng gobyerno na may quasi judicial functions sa regulation at operation ng transport system sa bansa.
Dahil sa mga nangyaring pag atake sa mga airport at mass transport stations sa Europe at 2010 Manila Hostage Crisis sinabi ni Arroyo na panahon na para magtatag ng isang opisina na tututukan ang seguridad ng lahat ng uri ng transportasyon.
Nakasaad sa panukala ang pagsailalim sa oversight powers ng NTRC ng CAAP, Marina, Coastguard, LTO at LTFRB kabilang ang government at private airport, sea port at land transportation operators.
By: Judith Larino
CGMA isinusulong ang pagtatayo ng Transportation Commission was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882