Ipatutupad na ngayong araw na ito ang revised Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Law.
Nakasaad sa nasabing batas ang mahigpit na pagbabawal sa mga driver nang paggamit ng mobile phone o anumang gadget habang nagmamaneho.
Sakop ng batas ang pagpapadala ng mensahe, pagsagot ng tawag, paglalaro ng anumang mobile games, panunuod ng pelikula gamit ang cellphone, pag-browse ng internet at iba pang kaparehong aktibidad.
Gayunman laman ng revised IRR o Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas na papayagan lamang ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho kung may emergency calls o gagamitin ang gadget bilang navigational device.
Nilinaw din ng DOTr o Department of Transportation na uubra lamang gamitin ang mobile device kung ito ay hands free o nasa speaker mode.
Tatayong lead agency sa pagpapatupad ng nasabing batas ang lto katuwang ang LTFRB, MMDA at PNP Highway Patrol Group.
Magmumulta ng P5000 ang sinumang lalabag sa naturang batas sa unang pagkakataon P10,000 naman sa second offense at P15,000 hanggang P20,000 bukod pa sa suspension o revocation ng driver’s license sa third at fourth offense.
Magugunitang May 18 nang suspendihin ang pagpapatupad ng naturang batas dahil sa kalituhang idinulot sa mga motorista.
By Judith Larino
Anti-distracted driving law simula na ngayong araw was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882