Nagpulong ang Senior Officials ng United Nations FAO o Food and Agriculture Organization at ang delagasyon ng Pilipinas hinggil sa implementasyon ng rehabilitation program para sa mga naapektuhan ng krisis sa Marawi City.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, chairman ng 40th FAO Biennial Conference na ginanap sa Roma, kabilang sa napag-usapan nila ang pagpapatupad ng rehabilitation program sa sektor ng agrikultura at pangisdaaan.
Sinabi ni Piٴñol na magpapatupad ang FAO at D.A. ng national inland fisheries development program, kalakip ang pagbili ng fingerlings para sa lake Lanao.
Inaasahang maisusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang master plan para sa Marawi agriculture rehabilitation sa susunod na linggo.
By: Meann Tanbio
UN-FAO at Dept. of Agriculture Sec. Piñol nagpulong hinggil sa rehab program ng Marawi was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882