Nakalaya na ang sampung (10) political prisoners mula sa New Bilibid Prisons o NBP makaraang pagkalooban ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Facebook post ni Karapatan Secretary General Tinay Palabay, nakasaad na kabilang sa pinalaya si National Democratic Front Consultant Emeterio Antalan, gayundin sina Ricardo Solangon, Joel Ramada, Apolonio Barado, Jose Navarro, Generoso Rolida, Arnulfo Boates, Manolito Matricio, Josue Ungsod, at Sonny Marbella.
Magpapatawag ng press conference ang nasabing human rights group mamayang ala-1:30 ng hapon para i-welcome ang mga pinalayang political prisoners.
By Meann Tanbio
*Photo: International Coalition for Human Rights in the Philippines