Anim (6) na ang nasawi habang dalawampung (20) iba pa ang nawawala matapos tangayin ng flashfloods dahil sa malakas na ulan sa dulot ng typhoon ‘Nanmadol’ southern Japan.
Pinakamatinding apektado ang Kyushu Region partikular ang Fukuoka Prefecture kung saan daan-daang libong residente ang nawalan ng bahay.
Ibinabala rin ng mga awtoridad ang posibleng landslides matapos ang labindalawang (12) oras na malakas na ulan noong Miyerkules na inaasahang magpapatuloy ngayong araw.
Nag-deploy na ang pamahalaan ng halos walong libong (8,000) pulis, rescue personnel at sundalo sa mga apektadong lugar.
By Drew Nacino
6 patay sa flashfloods sa southern Japan was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882