Sisimulan na ng AFP o Armed Forces of the Philippines ngayong linggo ang preparasyon para sa pagtatayo ng resettlement area na pansamantalang tutuluyan ng mga nawalan ng tahanan sa Marawi City.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla ay bahagi ng paghahanda ng Task Force Marawi para sa kanilang gagawing rehabilitasyon.
Dagdag ni Padilla, dalawa sa apat na engineering brigade ng AFP ang naghahanda nang sumabak sa gagawing rehabilitasyon sa lungsod.
Aniya, sanay ang mga ito sa paggawa ng mga paaralan at clinic kahit sa mga liblib na lugar.
By Krista de Dios | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
Preparasyon para sa Marawi rehab sisimulan na ng AFP was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882