Nagbigay ng limang (5) milyong pisong cash donation ang embahada ng South Korea para sa mga naging biktima ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Ibinigay ni South Korean Ambassador Kim Jae-Shin ang nasabing donasyon sa pamamagitan ng PRC o Philippine Red Cross at tinanggap ng chairman nito at Senator Richard Gordon.
Kasabay nito, nagpahayag din ng pakikisimpatiya si Kim sa mga taga-Marawi at umaasang matatapos na agad ang kaguluhan sa lungsod.
Nangako rin ang ambassador na nakahanda silang tumulong para sa rehabilitation at rebuilding ng Marawi City.
By Krista de Dios
SoKor nagbigay ng P5-M cash donation para sa Marawi crisis victims was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882