Nagsagawa ng aerial survey ang mga opisyal ng AFP, Malakaniyang at local government ng Leyte sa ilang bahagi ng Visayas.
Ito ay para makita ang pinsalang dulot ng magnitude 6.5 na lindol sa lalawigan.
Sinabi ni PNP Region 8 Spokesman Chief Inspector Bella Rentuaya matapos ang aerial survey kaagad pinuntahan ng mga opisyal ang ilang ospital sa Leyte kung saan naka confine ang ilan sa mga biktima ng lindol.
Ayon kay Rentuaya nagsasagawa na ng damage assessment ang lokal na pamahalaan ng kanangga na una nang isinailalim sa state of calamity.
Binabantayan naman aniya ng mga pulis ang gumuhong commercial building sa kanangga laban sa mga magnanakaw.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
Mga otoridad nagsagawa ng aerial survey sa ilang bahagi ng Visayas was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882